Welcome to Feedmix official website.

Username:

Password

Submit

Clubfeedmix.aspx

http://www.fisherfarms.ph

Copyright © 2007 by Feedmix Nutrition Specialist Inc. All rights reserved.


POWER BULLETS: PAGKILALA SA MAHABANG TRADISYON

Kung mayroong isang palakasan o libangan sa Pilipinas na tinatangkilik ng nakararami, ito ay walang iba kundi ang sabong. Bago pa naging sikat ang basketbol, ang sabong ay isa ng tradisyon na tinatangkilik ng mahirap man o mayaman. Kinikilalang isang matapang na hayop, ang tandang ay ginagalang saan mang parte ng daigdig; ito ay itinuturing na isang simbolo ng pananampalataya na sinasamba sa ibang bansa. Di man matiyak ang pinagmulan ng sabong – may naitala na ito ay maaaring nagmula bago pa man isinilang si Hesukristo may tatlong libong taon na ang nakararaan. Sa sinaunang Griyego at Romano, ang tandang ay kahanay ng mga sinasambang mga diyos. Mayroon ding nakapagsabi na noong panahon ni Moises, ang sabong ay isang nang paboritong libangan.

Ang sabong ay naging kilala rin at tinangkilik sa Europa noong ika-16 na siglo. Mahalaga ang naging papel ng Espanya sa pagpapalaganap ng sabong na sa hanggang ngayon, maraming Pilipinong magmamanok ay bumibyahe pa sa Espanya upang bumili ng mga tandang na ginagamit sa pagbi-breed at inuuwi sa Pilipinas. Ang Estados Unidos ay tumangkilik din sa sabong at may panahong naging sentro ng mga malalaking labanan.

Ang pagkahumaling ng mga katutubo ng Pilipinas sa sabong ay sinasabing nagsimula pa noong taong 1565 nang datnan sila ng mga Kastila na nanonood ng sabong.

Simula noon magpahanggang sa ngayon sa kabila ng paghihigpit ng batas, ang sabong ay isinasagawa sa maliliit na tupada hanggang sa malalaki at magarbong lugar. Nagsimula sa isang libangan, ang sabong ay naging isang malaking negosyo na sinasalihan ng mga iba’t ibang klaseng negosyante na naging sanhi upang ang industriya ng pagpaparami, pag-aalaga at pagsasanay ng manok panabong ay lumago at umunlad. Sa Pilipinas, ang Maynila kabilang na ang mga lalawigan sa Gitnang Luzon, Negros Occidental at Iloilo ay naging kilala sa kanilang mga tupada at mga malalaking sabong. Katunayan ang bayan ng La Carlota sa Negros Occidental ay kilala na ngayon bilang tahanan ng mga kampeon, isang karangalan na nakamit dahil sa mga tandang nito na kilala sa kanilang pagpapanalo sa mga sabungan. Sa paglaki ng industriya, dumami ang mga uri ng mga tandang na makikita rito. Ang Pilipinas ngayon ay nagtataglay ng mga iba’t ibang klase ng manok na may banyagang lahi na nagmula pa sa Estados Unidos at Espanya.

Dahil sa pag-unlad ng sabong, maraming uri ng negosyo ang umusbong at nagsimulang lumago. Higit sa isang libangan, ang sabong ay naging isang mahalagang industriya na binuhusan ng puhunan at nilahukan ng maraming negosyante. Ang maliliit na sabong ay naging isang malaking labanan na pinupustahan ng milyung-milyon sa loob at labas man ng bansa. Tulad ng pagdami ng mga bilang ng manok panabong sa Pilipinas na tinatayang umaabot na sa mahigit 12 milyon, at kung saan ang isang manok ay nagkakahalaga ng libu-libong piso, ang paraan ng pagpaparami, pagpapalaki at pagsasanay ng manok panabong ay gumamit ng makabagong siyensiya at sinuportahan ng mga iba pang sektor na nagbebenta ng lahat ng kailangan ng mga sabungero at mga breeder.

Sa pag-igting ng labanan ng pagpapalaki ng mas magaling na manok panabong, isang sektor na gumagawa at nagbebenta ng patuka at pagkain ng manok ang nagsimulang umusbong at lumago. Dahil na rin sa ang nutrisyon ay may mahalagang papel sa pagpapapalaki at pagkondisyon ng mga manok panabong, nangailangan ng masusing pag-aaral at makabagong paraan ng paggawa ng patuka na akma sa pangangailangan ng katawan ng mga manok.

Ang pangangalap ng impormasyon at masusing pag-aaral ng pangangailangan ng katawan ng mga tandang sa bawat edad ng mga ito ay siyang tinutukan ng FSI Nutrition, Inc. Mula sa pagpisa ng itlo hanggang sa paglaki at paghahanda sa labanan, masusing pinag-aralan ng FSI Nutrition ang mga kailangang sustansya upang mapaigting ang potensiyal ng manok at siguruduhin ang pagkapanalo nito sa lahat ng laban.

Ang FSI Nutrition ay gumagamit ng twin-screw extrusion system sa paggawa nito ng patuka ng tandang, isang sistema na kung saan ang pagkain ng manok ay niluluto nang mabuti at upang ito ay madaling matunaw sa tiyan ng manok at makuha nito ang mga sustansiyang kailangan nito sa mabilis at epektibong paraaan. Ang pagluluto ay nag-aalis din ng salmonella at iba pang mga mikrobyo na nagiging sanhi ng sakit at pumipigil sa mabilis na paglaki at paglusog ng manok. Sa pagluluto gamit ang mataas na temperatura, ang mga sangkap ay mabilis na pumapasok at nagagamit ng katawan ng manok upang patuloy na maging malusog, maliksi at matikas.

Ang bawat butil ng Power Bullets ay mas mahusay kesa sa pellets dahil ito ay mas mabilis na natutunaw sa tiyan ng manok kumpara sa pellet. Ang pellet ay nagiging pulbos kapag tinuka na ng manok kayat may natatapon at nasasayang na pagkain samantalang ang extruded feeds na tulad ng Power Bullets ay nakakain pa rin dahil sa ang mga butil nito ay di nagiging pulbos. Ito ay nakakain pa rin ng manok kahit na ibabad sa tubig. Sa paraan ng pagluto ng Power Bullets, nakapaglalagay ng maraming amino acids, bitamina at mineral kaya ang tandang ay nagkakaroon ng maskuladong pangangatawan, matalas na mata, maliksing kilos at lakas – mga katangian ng panalong tandang. Bukod pa rito ang Power Bullets ay nasa tamang presyo dahil ito ay ginagawa dito sa Pilipinas na kung saan ang mga sangkap ay ditto nakukuha.

Upang makamtan ang natatanging galling ng produkto, ang Power Bullets ay pinag-aralan at ginamit bilang trial para makita ang epekto nito sa tandang sa bawat panahon ng paglaki nito. Ang Power Bullets ay sinubukan sa mga test na tumutok sa mga aspeto ng kalusugan ng manok tulad ng pagpapahaba ng buhay ng mga sisiw, bilis ng paglaki, kondisyon ng kalusugan sa iba’t ibang panahon at klima.

Sa pagbibigay ng pinakamahusay na suportang nutrisyon para sa mga panabong na manok, ang Power Bullets ay may apat na klase -- Armado, Rapido, Asintado and Berdugo – na nagbibigay lakas sa mga tandang upang makamtan ng mga ito ang panalong inaasam.

Sa bawat bahagi ng buhay ng isang manok panabong, may isang Power Bullet na handang sumuporta at magbigay ng kailangang nutrisyon at lakas. Ang Power Bullets Armado ay may tamang sangkap para sa mga sisiw simula ng mapisa hanggang sa edad isang buwan. Ito ay walang mikrobyo at ang tinunaw na mga sustansiya ay mabilis matunay sa tiyan ng sisiw upang humaba ang kanilang buhay at maging mabilis ang paglaki. Nilahukan ng bitamina E at selenium, pinapalakas ang mga sisiw upang di magkasakit. Ito ay may anti-bodies na lumalaban sa mga mikrobyo na nagiging sanhi ng sakit. Ang Armado ay may DHA (Docosahexaeonoic Acid) na mahalaga sa utak. Mula isang buwan hanggang 6 na buwan, ang Power Bullets Rapido ay may balanseng sustansiya na sinangkapan ng calcium at biotin upang lumakas ang buto at maging malago ang pagtubo ng balahibo, habang pinapalakas ang mga organs tulad ng utak. Ang tinunaw na protina ay tumutulong na maging maskulado ang pangangatawan ng manok habang ang latherin ay nagsasaayos ng temperatura ng katawan upang protektahan ang manok sa init o heat stress. Ang kalakip na sustansya ng Rapido ay tumutulong sa normal na paglaki at pag-iiwas sa sakit ng mga manok.

Mula 3 buwan hanggang 6 na buwan, ang Power Bullets Rapido ay sumusuporta sa buto at mahalagang bahagi ng katawan (o body organs) habang pinapalaki ng maayos ang tandang. Malaking bahagi ng sangkap nito ay ang protina na nagpapalaki ng katawan. Ito ay nagbibigay ng karagdagang lakas upang maikondisyon ang manok sa iba’t ibang gawain at pagsasanay.

Ang Power Bullets Asintado ay isang uri ng patuka na tumutulong na mailagay sa tamang kondisyon ang manok. Ito ay may bitamina B15 na tumutulong sa paghinga at nagbibigay ng karagdagang lakas at umiiwas na dumami ang lactic acid sa katawan na nagiging sanhi ng mabilis na pagkapagod. Ito ay nagtataglay ng bitamina B12 at iron para sa mabilis na paglaki at malusog na katawan dahil isinasaayos nito ang daloy ng dugo. Mayroon din itong biotin para sa buto, balahibo at balat; at amino acids para magamit ng katawan ang protina. Ang choline at inositol ay idinagdag upang magbigay liksi, habang ang magnesium ay nagpapalakas ng nervous system at para sa matibay na tuka at buto.

Ang Power Bullets Berdugo ay mahalagang patuka para sa mga manok na inihahanda sa sabong. Ito ay may malakas na kumbinasyon ng amino acids, biocatalysts at anabolic components na tumutulong upang maging matibay ang litid, magbigay lakas at liksi at paigtingin ang tatag ng manok sa oras ng laban. Ito ay sinangkapan ng adenosine triphosphate (ATP) at chelated potassium upang pagmulan ng lakas at bilis ng manok sa gitna ng sabong. Ang chelated manganese naman ay tumutulong upang paghusayin ang takbo ng dugo at pagandahin ang paghinga ng manok. Ang Siberian ginseng ay idinagdag upang maging matatag ang resistensya, matalas at agresibo ang tandang sa oras ng laban.

Bilang pagkilala ng FSI Nutrition sa mga nagawa ng mga Pilipino sa pag-unlad ng isang mahalagang tradisyon at industriya, ang FSI Nutrition ay maglulunsad pa ng mga natatangi at bagong produkto na naglalayon na pag-ibayuhin ang kahalagahan ng sabong sa ating bansa.


More news & features...

back to top

Home  |  Our Company  |  Products  |  Technical Tips  |  Technology  |  Our People  |  News & Features  |  Clubfeedmix

webmaster: raymond@feedmix.com